Barangay Profile

        Ang Barangay Cabog-cabog ,Lungsod ng Balanga,Bataan ay may Sukat na may kabuoang na 350 daang ektarya.

        Ang Barangay Cabog-cabog,Lungsod ng Balanga,Bataan, tsong 1946 ay sumasakop ng Sityo, Culbo,Marilao at Tanato, noong panahon iyon ilan lamang pamilya ang naninirahan sa baragay na ito at ang kauna-unahang Tinente Del Baryo ay si Andres Monson. 

          Taong 1952, ay nagkaroon na ng paaralan ang mga bata ay nag-aaral sa silong ng bahay, habang pinagtutulungan ng mga magulang na gawin ang unang paaralan na ito ay yari sa kahoy,buho at binunungann ng kugon, na ito ay pinangunahan ni Tenyente del baryo, Anastacio C. Atienza.

          Sa pagdaan ng marming araw at mga tapn nagkaroon ng paaralang Elementarya na yari sa PREPAV Building na may nakatapos na anim na grado taong 1958 na namatay si Pangulong Ramon Magsaysay na lahat na nagtapos  ay idinaos ng walang kasayahan at hindi na nasundann ang pagtatapos ng elementary at marami sa mga mamamayan ay nagsialis dahil nagkaroon ng tag-tuyot ang mga  pananim ng mga magsasaka.

          Pagkatapos ng mga apat na taon ay muling nagkaroon ng Elementarya hanggang taong kasalukuyan 2009.  Ang panahon ng mga nagdaraan na taon at sa Barangay na ito, pinagyaman ang lupang kataasan (UPLAND) at ginawan ng maga pamamaraan upang sampahin ng tubig at marami na ang dumayo na magsasaka sa Barangay Cabog – Cabog. Sa pamamagitan ng pagsasaka pagtatanim ng palay halamang prutas at mga gulay naikinabubuhay ng mamamayan ay marami rin ang gumagawa ng palaisdaan pagaalaga ng mga hayupan katulad ng kalabaw,baka,kabayo,kambing at pagmamanukan para sa karagdagang kita ng magsasaka mamamayan.

        Ang Barangay Cabog –cabog makikita na rin ang unti-unting pagunlad ng mga mamamayan at pagunlad ng barangay sa pamamagitan ng pagkakaisa na umaasa sa tulong pulitiko na mga ibinibigay na proyekto katulad ng gusaling gusaling paaralan elementary farm to market road may 2 tangke ng tubig (Serviceable Pump) Phase 1 at Phase II barangay water system basketball court solar dryer Health Center, Brgy.Hall , Stage at ang simbahan o chapel na ito ay naipagawa sa pagtutulungan ng mga mamamayan ng Barangay.

       Tungkol naman sa mga kabataang magaaral ay marami na rin ang nakatapos ng ibat-ibang kurso katulad ng ihinyero,nursing, teacher,midwife,HRM,Automotive, Welder at ibat-ibang two years course na ito ay nagagamit sa mga pabrika at pagtatrabaho sa ibang bansa na halos marami ang nagagamit matagumpay , magandang kapalaran sa bagong bukas ng buhay.

           Tungkol naman sa Peace and Order ay maganda ang sitwasyon na ang katahimik ang namamalagi o nanaig sa loob ng Barangay at kung mayroon mang nangyayari na hindi pagkakaunawaan ay madaling naaayos ng kasalukuyan administrasyon na masasabi ang kapayapaan ng isang Barangay ay susi ng kaunlaran.
 
   
 
 
   
 
 
   
 
 
   
 
 
Comments